CONGRATULATIONS to the Top 2 group entries for news writing in Filipino!
The Runners up in the news writing workshops, Filipino division, are Jose Platon Memorial School for Elementary level and the Sta. Cecilia Catholic School for High School level.
Good job guys and see you on the 3rd Sinag Journalism Training Seminar!
Below are their winning works written in full:
TOP 2 (Elementary level)
Jose Platon Memorial School
“Pagdalo sa Sinag JTS”
Buwan ng Pebrero 26 taong 2011 dumalo ang ilang piling mag-aaral ng J.P.M.S. sa 2nd Sinag Journalism Training Seminar sa Paaralang Elementarya ng Calamba kasama ang kanilang gurong tagapayop na si Bb. Dianne Jimenez.
Ilang workshop ang naganap upang mahasa ang kanilang pagsulat ng mga balita. Dahil sa mga gurong pursigido na magturo at sila ay hubugin ng mabuti. Lahat sila ay pursigido na matapos ang kanilang balita.
Isang maganda at hindi makakalimutan na pangyayari ang naganap dahil nakatulong ito sa kanilang kaisipan. Ang mga mag-aaral ay umuwi ng may ngiti at galak sa kanilang labi.
TOP 2 (High School level)
Sta. Cecilia Catholic School Foundation, Inc.
“Cecilians… Kaisa sa Sinag Journalism Training Seminar”
Ngayong ika-26 ng Pebrero 2011 ginaganap ang 2nd Sinag Journalism Training Seminar sa Calamba Elementary School, LLC Auditorium. Pinangungunahan ito ng Sinag Publishing and Printing Services. Ginagawa ito upang matulungan ang mga mag-aaral na mahasa ang kanilang kakayahan sa pagsusulat ng balita at lathalain gayundin sa pagguhit.
Iba’t-ibang paaralan ang nakikiisa sa gawaing ito kabilang na dito ang ilang piling mag-aaral ng Sta. Cecilia Catholic School Foundation, Inc. Ang paglahok sa mga gawaing kagaya nito ay sinusuportahan ng mga guro ng bawat eskwelahan upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga estudyante at maibahagi ito sa kanilang mga kamag-aral.
Sa pamamagitan ng pagtuturo at paglilinaw ng mga tamang paraan ng paggawa ng balita at lathalain ng mga tanyag na komentarista.
No comments:
Post a Comment